Tula ni Berkinalieva Sagynbubu Abdusamatovna ( Republika ng Kyrgyz)
***
Napaka mapanganib na hakbang ang ginagawa ko ngayon –
At sino ang magmamasid sa akin?
Makakahanap ba ako ng ginhawa sa mga amapola?
Na sa daigdig ng engkantada ay malayang tumutubo?
Ngunit tila kahit na ang mga amapola ay nalalanta –
Bumabagsak sila sa dalisdis.
At kapag ang langit ay nagsimula ring bumagsak,
Dinudurog nito ang pag-asa ng puso ko.
Wala talagang makakaiwas
Kung ano ang itinakda ng tadhana.
anumang sakripisyo ay walang silbi
Kapag ito ay naisulat na sa bato.
Ang bawat hakbang ay isang kasalanan
Kahit na ito ay maikli,
Ngunit ang mga araw na di ako nagkakasala
Ay nagdudulot ng matinding pighati
Hayaan akong maging isang batang babae ng niyebe
Sa isang daigdig ng alamat noong unang panahon.

Translation into Filipino language Eden Soriano Trinidad