Closed Eyes (Matang Nakapikit) – Phấn Văn Mai (Vietnam) / Isinalin sa Wikang Filipino Ni Eden Soriano Trinidad

Phấn Văn Mai (Vietnam)
 
 
Closed Eyes
 
With closed eyes the world appears unpolluted.
The surrounding pure spaces are spreading and latticed.
We see ourselves in childhood holding a bright candle in the church.
The candlelight is filling eye-sockets,
filling the hollow immobile gaps amidst secret verdant foliage.
With closed eyes the forest resembles a garden.
The rattan stems, the ferns and wild grasses take the shape of huge ancient trees.
The needle leaves form a large canopy.
The earth bee, the porcupine, the squirrel,
and the bull are similar shapes…
And I stayed motionless for a long time with my eyes closed.
Even though my premonition had warned me,
they were looking for a clue, fanning the wind, taking fright…
With closed eyes we can see people and
all things in justice and in a clear light.
 
Pens and books, beds and drawers, knives and chopping boards,
and the old bike were of the same size.
Each human organ opens up with multiple strange eyes,
while the venoms absorbed are permanently
sealed up with no way of escape.
With closed eyes you are not so busy
as when I am with open eyes.
But your silence makes queer resounding sounds,
telling me that your love has penetrated the trees,
the streets and houses, the gardens, the fields,
and the rivers and springs…
From now on we need not doubt anything until we close our eyes forever.
 
 
 
Matang Nakapikit
 
Kapag ang mga mata ay nakapikit ang mundo ay nagmumukhang malinis. Nagpaluwag ang maayos na sala-sala sa buong kapaligiran. Kaming mga musmos ay may dala-dalang maliwanag na kandila sa may simbahan. Pinupuno ng liwanag ng kandila ang aming buong mga mata, pinupunan nito ang kaibuturan ng mga puwang sa gitna ng mga lihim ng mga dahon. Sa mga matang nakapikit, ang kagubatan ay tila isang hardin. Ang sanga ng yantok, mga pako at mga damong ligaw ay nagtila hugis ng naglalakihang sinaunang puno. Ang mala-karayom na mga dahon ay naghugis na malapad na silungan. Ang mga bubuyog, ang parkupino, ang ardilya, at ang mga baka ay magkakahalintulad ng anyo… Mahabang oras akong nanatiling nakatindig at hindi gumagalaw habang nakapikit ang aking mga mata. Bagamat malakas ang aking kutob, naghahanap parin ito ng palatandaan, pumapaypay ang hangin, may dalang takot… Habang nakapikit ang ating mga mata, sa ating pangitain ay nakikita natin ang kalagayan ng mga tao at ang malinaw na hustisya. Mga lapis, at aklat, mga tinutulugang kama at mga lalagyang kahoy, mga kutsilyo at sangkalan, at ang lumang bisekleta ay tila magkakahalintulad lamang ng laki. Ang bawat bahagi sa loob ng katawan ng tao ay nagbubukas taglay ang maraming kakaibang mga mata, habang ang mga lasong hinihigop nito ay permanenteng tinatatakan at wala ng paraan pang makatakas. Hindi gaanong abala ang mga matang nakapikit kaysa sa kung nakabukas ang mga mata. Ngunit ang iyong pagtahimik ay nagdudulot ng mga kakaibang tunog na umaalingawngaw, tila sinasabi sa akin na ang iyong pag-ibig ay tumagos sa mga punong kahoy, sa mga daan at kabahayan, sa mga hardin, sa mga kabukiran, at sa mga ilog at mga Sibol… Mula ngayon wala na tayong dapat pang ipag-alinlangan hanggang sa tuluyan na nating ipikit ang ating mga mata magpawalang-hanggan.
 
 
Isinalin sa Wikang Filipino
Ni Eden Soriano Trinidad

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s