Poems by Bozena Helena Mazur-Nowak / Translated in Filipino by Eden Soriano Trinidad

Poems by Bozena Helena Mazur-Nowak

 

mga salita ay tulad ng isang tabak

nakalilikha tayo ng ganda sa mga salita sa ating pananalita
hindi ito ipagkakanulo ng panahon, hindi ito mapahihinto ng walang hanggan
ang mensahe ng salita ay magliliwanag tulad ng sulo sa gabing madilim
dala ng mensahe ang karangyaan.

Minsan ang salita ay nagiging magandang kwento
Tinig nito ay umaalingawngaw sa katahimikan
Mababanaag rito ang ganda ng kalooban
Nakapagbibigay ng init kahit ang paligid ay napakalamig

Ang lahat ay posible mangarap ka lamang
Isinusulat ng lapis ang mga naiisip mula sa puso tungo sa papel
Malungkot lang, kung hindi natin maapuhap ipaliwanag ang ating sarili
Minsan, sa dako paroon, may kukuha ng patalim

 

words like a sword

we create beauty with words
they are not cliched by time, eternity will not fray their edges
their message shines like a torch in the dark night
the message carries with it its splendor

sometimes words will become a beautiful story
their echo reverberates by breaking the silence
they will reflect with beauty in our souls
giving nice warmth despite the cold around

everything is possible you just need to dream
the pen carries thoughts straight out of the heart and onto paper
sadly, when we cannot find the words to express ourselves
sometimes, somewhere, someone reaches for the sword

 

sandali lamang po muna

Humahalimuyak ang bango ng naghihintay na tasa ng kape
Pinupuno nito ang silid at tinutukso akong gumising na
Ayoko pang bumangon,gusto ko pang matulog balot sa iyong init
At sa iyong amoy na naiwan mo sa unan sa aking tabi
Ikinulong kita sa ilalim ng aking mga pilikmata.

Ang sarap sa pakiramdam
Ang kurtina’y sumasayaw sa durungawang bukas
Dama ko ang haplos ng hangin sa aking likuran
Humuhuni ng malakas ang mga ibong ligaw
Tulad ng sirang relo, ginigising ako sa katotohanan
Oras na upang bumangon
Upang makipaglaban sa bagong araw
pagsapit ng aking kaibigan sa gabi, muli kang yayakapin ng aking mga bisig.

 

just a moment, please

The aroma of a waiting cup of fragrant coffee
fills the room and tempts me to wake
I do not want to get up, I want to stay cocooned with your warmth
and your scent which you left on the pillow next to me
I have imprisoned you under my closed eyelids

I feel so good
the curtain in the open window dances
I feel a breezes finger touch my back
Wild birds are singing loudly
like a mad alarm clock, brutally bringing me back to reality
it’s time to get up
for sparring with the new day

 

Translated in Filipino by Eden Soriano Trinidad

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s